101 Proyekto ng Pagpapalit ng Cordilleras Creek Bridge

View this webpage in English | Vea esta página web en español | Tingnan ang webpage na ito sa Tagalog | 以繁體中文檢閱此網頁 | 以简体中文检阅此网页

Mapa ng lugar ng proyekto ng Pagpapalit ng Cordilleras Creek Bridge Replacement sa Highway 101 sa County ng San Mateo.Lokasyon at Naiplanong Gawain

Sa kahabaan ng U.S. 101 sa Redwood City, San Mateo County, sa pagitan ng mga exit ng Whipple Avenue at Brittan Avenue (postmile 6.7 - 7.6), sumasaklawa ang Cordilleras Creek Bridge. Ang tulay na ito ay nasa katapusan na ng buhay-serbisyo nito at kinakailangan nang mapalitan. Layunin ng proyektong ito ang palitan ang kasalukuyang tripleng kahong alkantarilya ng iisang sumasaklaw na tulay, habang pinananatili ang pagkakakonekta at kaligtasan para sa publiko na bumibiyahe sa kahabaang ito ng U.S. 101. Upang maisakatuparan ang kinakailangang gawain, pinaplano ng Caltrans na isara ang bawat panig ng U.S. 101 (northbound at southbound) para sa isang 55-oras na mga araw ng Sabado at Linggo, kabuuan para sa dalawang pagsasara sa mga araw ng Sabado at Linggo.

Nasaan na Kami sa Proseso

Nakakuha na ng clearance na pangkapaligiran para sa pagsusumikap na ito at pinaplano na ngayon ng Caltrans ang yugto ng konstruksyon. Nakipag-ugnayan ang Caltrans sa mgapang-estado at pederal na mga ahensya para sa buhay-ilang hinggil sa disenyo na magpapalawak sa Cordilleras Creek upang mapabuti ang hidrolohiya, tidal function, at pagdaan ng isda sa isang mahalagang bahagi ng wetland. Karamihan sa mga gawain ng konstruksyon na kailangan upang makumpleto ang proyektong ito ay mangyayari sa loob ng channel ng creek. Upang mapanatili ang ligtas na tirahan ng buhay-ilang sa creek, kailangang limitahan ang gawain sa channel na ito sa isang partikular na panahon: Hunyo hanggang Oktubre.

Mga Konsiderasyon sa Konstruksyon

Dahil sa laki ng trapikong inaasahan sa hanay ng U.S. 101 at sa limitadong panahon ng konstruksyon, pinaplano ng Caltrans na ipatupad ang prosesong Accelerated Bridge Construction (ABC, Pinabilis na Konstruksyon ng Tulay) at ang paraang "cut and cover". Ang paraang ito ay magpapahintulot sa Caltrans na ipatayo ang tulay sa isang panahon sa halip na sa loob ng tatlong taon, na babawas sa mga epekto ng trapiko, magpapaigting ng kaligtasan para sa mga bumibiyahe at manggagawa sa konstruksyon, at magpapaliit sa  mga epekto sa kapaligiran.

Ang paggamit ng paraang "cut and cover" ay mangangailangan ng isang 55 oras na mahabang pagsasara sa mga araw ng Sabado at Linggo para sa bawat panig ng highway (northbound at southbound).

 

Mga Petsa ng Pagsasara sa Southbound at Detour 

Setyembre 29-Oktubre 2
Ang ganap na pagsasara sa mga araw na Sabado at Linggo ay magtatagal mula 10:00 PM Biyernes ng Gabi hanggang 5:00 AM Lunes ng umaga.

Map showing the Southbound detour route.

Map showing regional detour options during closures of US-101 at Cordilleras Creek in San Mateo County.

Mga Petsa ng Pagsasara sa Northbound at Detour 

Oktubre 13-16
Ang ganap na pagsasara sa mga araw na Sabado at Linggo ay magtatagal mula 10:00 PM Biyernes ng Gabi hanggang 5:00 AM Lunes ng umaga.

Map showing the Northbound detour route.

Map showing regional detour options during closures of northbound US-101 at Cordilleras Creek in San Mateo County.

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proyektong ito, makipag-ugnayan sa Opisyal ng Pampublikong Impormasyon: Alejandro Lopez sa Alejandro.Lopez@dot.ca.gov o (510) 286-0319.