d4-80-29-bridge-tagalog

Interstate-80/SR-29 Separation Bridge Project in Vallejo, Solano County

8029 Overcrossing Replacement Project pre-construction 02

SR-29/Sonoma Blvd and Sequoia Ave. Onramps to I-80losed St021
Nagsimula na po ang proyekto ng Caltrans sa Interstate-80 (I-80)/State Route 29 (SR-29) Separation Bridge dito sa Vallejo.
Para sa kaligtasan ng publiko, ang mga sumusunod  na rampa papasok sa Westbound I-80 ay isasara magmula nitong buwan ng Hunyo 2021, at mananatiling sarado hanggang sa taon 2023;
I-80-SR-29-Separation-Bridge-Project-in-Vallejo-MAP-060721-1200
• Sequoia Avenue On-ramp
to WB I-80 sarado

• SR-29/Sonoma Blvd.
On-ramp to WB I-80 sarado

Habang sarado and mga rampa na ito papunta sa  I-80, and mga motorista ay inaabisuhan na gamitin ang Magazine Street On-ramp at  Curtola Pkwy (I-780) at iba pang mga rampa papasok sa I-80.

Ang westbound I-80 Off-ramp sa Sequoia Avenue ay 
mananatiling BUKAS.

Ang eastbound I-80 Off-ramp papuntang SR-29/Sonoma Blvd.
ay pansamantalang magiging isang linya lamang, at mananatiling bukas sa umaga, at pansamantalang isasara para sa mga konstrukyon na ginaganap sa gabi.

Habang ang mga nabanggit na rampa ay sarado, ang Caltrans ay isasagawa ang kontruksyon para palitan ang tulay sa seksyon na ito ng I-80 at SR-29/Sonoma Blvd. dito sa Vallejo. Ang mga motorista ay inaabisuhan na asahan ang pagka-antala, at tingnan ang mga karatula para sa mga alternatibong daan, sa loob ng sona ng kontruksyon.