Proseso ng Reklamo sa Pamagat VI

Ang California Department of Transportation (Caltrans, Kagawaran ng Transportasyon ng California), sa ilalim ng Pamagat VI ng Civil Rights Act of 1964 (Batas sa Mga Karapatang Sibil ng 1964), ay tinitiyak na “Walang tao sa Estados Unidos ang, sa batayan ng lahi, kulay, o bansang pinagmulan, dapat na ibukod sa pakikilahok sa, pagkaitan ng mga benepisyo ng, o makaranas ng diskriminasyon sa ilalim ng anumang programa o aktibidad na tumatanggap ng tulong pinansyal ng pederal.” Pinapaigting ng mga nauugnay na pederal na batas at batas ng estado ang mga proteksyong iyon upang isama ang biolohikal na kasarian, kapansanan, relihiyon, sekswal na oryentasyon, at edad.

Ang sinumang taong naniniwalang nadiskrimina siya ng Caltrans o isang sub-recipient batay sa lahi, kulay, o bansang pinagmulan ay maaaring maghain ng reklamo sa Pamagat VI sa pamamagitan ng pagkumpleto at pagsusumite ng Form ng Reklamo sa Pamagat VIng ahensya. Pinoproseso ng Office of Civil Rights (OCR, Tanggapan ng Mga Karapatang
Sibil) ang mga reklamong natanggap nang hindi hihigit sa 180 araw pagkatapos ng iginigiitna insidente. Ipoproseso lamang ng OCR ang mga reklamong kumpleto, na kinabibilangan ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng nagrereklamo, mga detalye ng iginigiit na diskriminasyon, at pirma ng nagrereklamo.

Kapag natanggap na ang reklamo sa Pamagat VI, tutukuyin ng OCR kung aling nangangasiwang ahensyang pederal ang may saklaw upang imbestigahan/iproseso ang reklamo.

Mga Reklamo sa Pamagat VI na Ipinoproseso Sa Ilalim ng Federal Highway Administration (FHWA, Pederal na Pangasiwaan sa Highway)Ang mga reklamo sa Pamagat VI na inihain sa Caltrans kung saan ang Caltrans angpinangalanan bilang Inirereklamo ay ipapasa sa Tanggapan ng Sangay ng FHWA.Makakatanggap ang Nagrereklamo ng isang liham ng pagkilala na nagpapaalam sakaniyang natanggap at naipasa na sa FHWA ang reklamo. 

Alinsunod sa Patnubay na Memorandum ng FHWA, Pagpoproseso ng Mga Reklamo saPamagat VI, may petsang Hunyo 13, 2018, ang lahat ng reklamo sa Pamagat VI nanatanggap ng sub-recipient ay ipapasa sa Caltrans para isumite sa Tanggapan ng Sangayng FHWA.

Dapat ipadala ang mga reklamo sa loob ng isang araw ng negosyo pagkataposmatanggap ang mga ito sa pamamagitan ng email sa Title.VI@dot.ca.gov. Kungmatutukoy ng Headquarters Office of Civil Rights (HCR, Punong Tanggapan ng MgaKarapatang Sibili) na ang isang reklamo sa Pamagat VI laban sa isang sub-recipient aymaaaring imbestigahan ng Caltrans, maaaring italaga ng HCR ang gawain ng pagiimbestigasa reklamo sa Caltrans.

Mga Reklamo sa Pamagat VI na Ipinoproseso Sa Ilalim ng Federal Transit Administration (FTA, Pederal na Pangasiwaan sa Transportasyon)

Ang mga reklamo sa Pamagat VI na inihain sa Caltrans kung saan ang Caltrans angpinangalanan bilang Inirereklamo ay iimbestigahan ng Caltrans. Alinsunod sa FTA, angmga reklamo sa Pamagat VI ay dapat pangasiwaan sa lokal na antas o ipaabot sa FTA sailalim ng mga malalang sitwasyon ng pandidiskrimina sa Pamagat VI. Makakatanggap angNagrereklamo ng isang liham ng pagkilala na nagpapaalam sa kaniyang natanggap naang reklamo at kung ang reklamo ay iimbestigahan ng Caltrans o ipapasa sa FTA.

Ang mga reklamo sa Pamagat VI na inihain sa Caltrans laban sa isang sub-recipient ayiimbestigahan ng Caltrans. Kung inihain ang reklamo sa sub-recipient, ang sub-recipientang responsable para sa pag-iimbestiga sa reklamo alinsunod sa Sirkular 4702.IB ng FTA,Mga Kinakailangan at Alituntunin sa Pamagat VI para sa Mga Tumatanggap ng FederalTransit Administration.

Mga Setting Isalin
FTA - Paghahain ng Lokal na Reklamo

Inirerekomenda ng FTA, ngunit hindi nito kinakailangan, na ang mga indibidwal ay maghain muna ng reklamo nang direkta sa kanilang provider ng transportasyon upang bigyan ang isang provider ng pagkakataong lutasin ang sitwasyon. Ang mga ginawaran ng FTA ay kinakailangan sa ilalim ng ADA, Pamagat VI, at EEO na magkaroon ng mga lokal na pamamaraan ng reklamo.
Proseso ng Pag-iimbestiga ng OCR ng Caltrans

Kung itinalaga sa OCR ang responsibilidad ng pag-iimbestiga, may 90 araw ang OCR upang imbestigahan ang reklamo. Kung kailangan ng karagdagang oras, tatawagan ng OCR ang Nagrereklamo at ipaalam ito sa kaniya.

Kung kailangan ng higit pang impormasyon upang malutas ang kaso, maaaring makipag-ugnayan ang imbestigador ng OCR sa Nagrereklamo. Ang Nagrereklamo ay may sampung araw ng negosyo mula sa petsa ng sulat para ipadala ang hiniling na impormasyon sa imbestigador na nakatalaga sa kaso.
Kung hindi makikipag-ugnayan sa imbestigador ang Nagrereklamo o hindi matatanggap ng imbestigador ang karagdagang impormasyon sa loob ng sampung araw ng negosyo, maaaring pansamantalang isara ng OCR ang kaso. Ang isang kaso ay maaari ding pansamantalang isara kung ayaw nang ituloy ng nagrereklamo ang kaniyang kaso.

Kokonsulta ang OCR sa HCR tungkol sa pagbabasura ng reklamo. Ang pagbabasura ng reklamo sa Pamagat VI ay isasagawa ng HCR, sa pamamagitan ng alinman sa (1) impormal na resolusyon o (2) pagbibigay ng Liham ng Resulta ng pagsunod o hindi pagsunod sa Pamagat VI. Ang isang kopya ng Liham ng Resulta ay ipapadala sa lahat ng partido sa pamamagitan ng Tanggapan ng Sangay.

Ang isang tao ay maaari ring direktang maghain ng reklamo sa:

Federal Transit Administration
Civil Rights Division
Attention: Complaint Team
East Building, 5th Floor - TCR
1200 New Jersey Avenue, SE
Washington, DC 20590

Federal Highway Administration
U.S. Department of Transportation
Office of Civil Rights
1200 New Jersey Avenue, SE
8th Floor E81-105
Washington, DC 20590

Para sa impormasyon o patnubay tungkol sa kung paano maghain ng reklamo, o makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa Pamagat VI, mangyaring makipag-ugnayan sa Branch Manager ng Pamagat VI sa (916) 639-6392 o bisitahin ang webpage ng Pamagat VI.